11 November 2025
Calbayog City
Entertainment

Singer-Actress Zsazsa Padilla, nilinaw na wala siyang pambihirang kidney disease

Nilinaw ni Zsazsa Padilla na wala siyang pambihirang sakit sa bato, kasunod ng kanyang operasyon.

Ginawa ng singer-actress ang paglilinaw sa kanyang Instagram page, kasabay ng pag-post ng kanyang litrato matapos tanggalin ang kanyang catheter.

Ibinida rin ni Zsazsa na naging mabilis ang kanyang pag-recover dahil sa pag-take niya ng collagen supplements.

Binigyang diin ng singer, na wala siyang rare kidney disease, gaya ng kanyang nabasa, at isinilang lamang siyang “structurally different.”

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).