Pormal nang naitalaga bilang isang national shrine ang Our Lady of Aranzazu sa bayan ng San Mateo sa lalawigan ng Rizal.
Pinangunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagle ang solemn declaration ng simbahan sa idinaos na misa araw ng Biyernes, Aug. 22.
Pinangunahan ni Tagle kasama sina Antipolo Bishop Most. Rev. Ruperto Santos, at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Secretary General Rev. Msgr. Bernardo Pantin ang seremonya kabilang ang pagbasa ng declaration decree.
Noong Enero itinalaga ng CBCP ang Our Lady of Aranzazu Parish bilang national shrines kasama ang Archdiocesan Shrine of Mary, Queen of Peace o ang Edsa Shrine Sa Quezon City at ang Archdiocesan Shrine of Our Lady of Loreto sa Maynila.
Kinikilala bilang national shrine ang isang simbahan dahil sa historical, spiritual, o cultural significance nito.