NANINIWALA ang isang opisyal ng Malakanyang na kailangang amyendahan ang Sim Card Registration Act.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro na mas mainam kung gagawing “personal” ang pagre-rehistro ng sim cards.
ALSO READ:
Zaldy Co, nagpadala umano ng “feelers” sa mga pari, ayon sa DILG chief
Dating Sen. Bong Revilla, bigong makapagpasok ng mga damit at gadgets sa Quezon City Jail, ayon sa BJMP
Impeachment complaint laban kay PBBM, nai-transmit na sa Office of the Speaker
VP Sara, kinasuhan ng plunder, malversation, at graft bunsod ng umano’y maling paggamit ng confidential at public funds
Inihalimbawa ni Castro ang pagkuha ng driver’s license na kailangan ng personal appearance, upang maiwasan ang mga panloloko.
Ginawa ng Palace official ang pahayag kasunod ng pagka-alarma ni Senador Risa Hontiveros sa pagsulpot muli ng scamming operations sa pamamagitan ng text messages.
2022 nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang Sim Registration Law o Republic Act 11934, upang matuldukan ang text at online scams, at iba pang mga krimen.
