PINASALAMATAN ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang Relief International sa patuloy na suporta sa lungsod, sa interpersonal communication seminar na ginanap sa I’s Plant Hotel sa Barangay Carmen.
Tinutukan sa seminar na inisponsoran ng Relief International, ang pagpapahusay ng communication skills sa mga Barangay Health Workers (BHWs) mula sa City Health Office.
ALSO READ:
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Binigyang diin ni Mayor Mon sa kanyang pagpapasalamat ang hindi matatawarang commitment ng Relief International para sa development ng lungsod, partikular sa pagpapabuti ng health services sa komunidad.
Ang naturang event ay salig sa ongoing commitment ng Calbayog City sa comprehensive organization sa lahat ng isandaan limampu’t pitong barangay sa lungsod.
