IIMBESTIGAHAN ng tatlong Komite ng Leyte Provincial Board ang shipment ng Hazardous Medical Waste mula sa Mandaue City, Cebu patungo sa isang pasilidad sa Isabel, Leyte.
Ayon kay Leyte 5th District Board Member Carlo Loreto, ang Tri-Committees ay kinabibilangan ng Environment and Natural Resources, Health, at Disaster Risk Reduction.
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Sinabi ni Loreto na ang shipment ay labag sa Environmental Code ng Lalawigan, dahil kailangan muna itong ipaalam sa Provincial Board bago i-transport ang Hazardous Waste.
Idinagdag ng opisyal na nagtataka sila kung bakit tina-transport ng Cleanway Environmental Management Solutions Inc. ang Medical Waste sa Leyte, gayung may kapareho naman silang pasilidad na nag-o-operate sa Consolacion, Cebu, bukod pa sa ibang Treatment, Storage, at Disposal Facilities sa Cebu City at Mandaue City.
