NASAKOTE ng pulisya sa Bulacan ang ikalawa sa Most Wanted Person sa Eastern Visayas dahil sa pagpaslang sa mga opisyal ng barangay sa Leyte.
Nagsanib pwersa ang operating teams mula sa Eastern Visayas at Central Luzon para arestuhin si Jeffrey Culaban, trenta’y dos anyos, sa kahabaan ng General Alejo Highway sa bayan ng Bustos.
3 miyembro ng NPA, patay sa panibagong engkwentro sa Leyte
DepEd Calbayog Stakeholders’ Summit, gaganapin sa Biyernes; magwawagi sa appreciation video, tatanggap ng 20,000 pesos
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Si Culaban na residente ng Kananga, Leyte ay inakusahang miyembro ng notoryus na Dela Rosa Criminal Group na sangkot sa serye ng pamamaslang sa lalawigan.
Iniuugnay siya sa iba’t ibang High-Profile Shootings sa Leyte, kabilang na ang pagpatay sa isang barangay tanod sa Casilion, sa bayan ng Villaba noong Nov. 2023, gayundin sa isang barangay kagawad sa Tugas, sa bayan ng Tabango noong Feb. 2024, at sa dalawang iba pa, dalawang taon na ang nakalilipas.
Inilunsad ng pulisya ang operasyon sa bisa ng apat na magkakahiwalay na Warrants of Arrest sa kasong Murder, at walang inirekomendang piyansa.
