Patuloy na nakaaapekto ang shear line at ang northeast monsoon o amihan sa Luzon.
Ayon sa PAGASA, makararanas ang Quezon, Camarines Norte, at Camarines Sur ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms bunsod ng shearline habang iiral ang amihan sa natitirang bahagi ng Luzon.
Makararanas din ng localized thunderstorms sa iba pang mga bahagi ng bansa.