SERYOSONG ikinu-konsidera ni Senador Nancy Binay ang planong pagtakbo bilang Mayor ng Makati City sa 2025 Local Elections.
Magtatapos na kasi ang termino ni Binay bilang senador sa susunod na taon.
Sa ilalim ng batas, pinapayagan lamang ang mga senador na manungkulan ng dalawang magkasunod na anim na taong termino.
Sinabi ng senador na ang napapabalitang tatakbo bilang alkalde ng Makati City ay si Luis Campos na asawa ng kanyang kapatid na si Incumbent Mayor Abigail Binay-Campos.