POSIBLENG makansela ang birth certificate ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo makaraang lumitaw na maraming iregularidad o kwestyunable ang mga nilalaman nito.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, lumitaw na walang supporting documents na makakapagpatunay na totoo ang mga nakasulat sa birth certificate ni Guo.
PNP, Pinamunuan ni Chief Nartatez sa Malawakang Paghahanda Laban sa Super Typhoon Uwan
Mahigit 9,000 personnel, dineploy ng DPWH para sa Clearing at Emergency Operations para sa Bagyong Uwan
Halos 500K Food Packs naipadala na sa mga LGU; RORO, Cargo Fees at Toll libre na para sa Emergency Responders at sasakyang maghahatid ng Relief
5 Dam sa Luzon, nagpakawala ng tubig sa harap ng banta ng Bagyong Uwan
Inamin din mismo ng mga kinatawan ng Philippine Statistics Authority na may iregularidad sa birth certificate ng alkalde.
Kinumpirma ni Atty. Eliezer Ambatali, Director III ng legal service ng PSA, na wala silang record na may ipinanganak sa Pilipinas na Amelia Leal o Angelito Guo na sinasabing mga magulang ni Mayor Guo.
Wala ring record ang PSA na nagpakasal sa Pilipinas ang mga magulang ni Mayor Guo bagaman sa birth certificate ay sinasabing kasal ang mga ito.
