Laking panghihinayang ng isang ginang sa Davao City nang kainin ng anay ang inipon niyang pera para sa kanyang mga anak.
Nakaipon si Sherell Ampong ng 35,000 pesos, subalit walang natira nang pagpiyestahan ng anay ang kanyang alkansya na gawa sa karton.
Sa halip na iimpok sa bangko ay pinili ng ginang na ipunin ang kanyang pera sa bahay para sana ipambili ng laptop computer at cellphone ng kanyang mga anak.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang nasirang pera ay maari pa namang mapalitan kung nananatiling intact ang 60 percent nito.
Dapat ay nakikita ang dalawang pirma, kabilang na ang windowed security thread maliban na lamang kung nasira ang perang papel dahil sa sunog o insekto.