5 July 2024
Calbayog City
Local

Sen. Bong Go pinangunahan ang oath-taking ng Barangay Health Workers sa Catbalogan City

KASABAY ng pagpapasalamat ay tiniyak ni Senador Christopher “Bong” Go ang suporta sa mahalagang papel ng Barangay Health Workers (BHWS) sa bawat komunidad, pati na ang pangakong isusulong niya ang kanilang kapakanan.

Sa kanyang talumpati sa oath-taking ceremony ng BHWS na ginanap noong biyernes, sa Catbalogan City sa Samar, kinilala ng Senador ang hindi matatawarang serbisyo ng bhws sa lahat ng sektor sa komunidad, mula sa mga nakatatanda hanggang sa mga bata, lalo sa malalayong lugar na kapos sa medical professionals.

Kaugnay nito, tinukoy ni go ang inihain niyang Senate Bill No. 427 o Barangay Health Workers Compensation Act, upang matiyak ang tamang kompensasyon at mga benepisyo para sa community health workers.

Inihayag din nito ang dating hakbang na mabigyan ng health emergency allowance ang medical frontliners sa panahon ng pandemya, kasabay ng paghimok sa Department of Health at Department of Budget and Management na muling bisitahin at i-release ang pondo ng mga hindi pa nakatatanggap ng naturang benepisyo.

Ipinagdiwang sa naturang event ang oath-taking ng dalawanlibong BHWS, na itinuturing na malaking hakbang sa healthcare system ng Samar.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *