21 April 2025
Calbayog City
National

Seguridad sa ikatlong SONA ni pangulong Bongbong Marcos, nakalatag na

seguridad sa sona pnp mmda marcos

Nasa dalawampu’t apatnalibong personnel mula sa Philippine National Police (PNP) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang idineploy sa paligid ng Batasang Pambansa Complex sa Quezon City, bilang bahagi ng seguridad sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes.

Una nang naglatag ng checkpoints ang mga awtoridad sa Quezon Memorial Circle at naglagay ng mobile outpost sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Para paigtingin ang police visibility, ipinosisyon ang mga pulis sa bawat kalye malapit sa Batasang Pambansa Complex.

Samantala, ang MMDA ay nagsagawa ng clearing operations sa mga iligal na nakaparadang sasakyan sa kahabaan ng IBP Road.

22,000 police personnel ang ipinakalat para magbantay ng seguridad sa SONA habang 2,000 personnel naman ang idineploy ng MMDA para asistehan ang mga motorista sa paligid ng Batasang Pambansa.

Patuloy din ang pag-iral ng gun ban sa Metro Manila na nagsimula noong Sabado at magtatapos mamayang hatinggabi.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).