Inaresto ng National Bureau of Investigation ang sampung katao sa sinalakay na scam hub sa Bacoor City, Cavite.
Isinagawa ang operasyon sa dalawang bahay sa Bacoor dahil sa paglabag sa R.A. No. 10175 o “Cybercrime Prevention Act of 2012” at R.A. No. 12010 o “Anti- Financial Accounts Scamming Act.”
Ayon sa NBI, ang scam hub ay pag-aari ng isang dayuhan at pinatatakbo ng mga Pinoy na empleyado.
Huli sa akto ang mga suspek na may kausap na mga kliyente gamit ang mga pekeng social media account.
Nakumpiska din ang maraming SIM cards at iba’t ibang cellular phones. Habang nakita ng NBI ang mga script, notes, na ginagamit nila sa panloloko.