IBINUNYAG ng aktres na si Sarah Lahbati na babalik siya sa showbiz sa pamamagitan ng bagong TV series.
Sa gitna ito ng mga espekulasyon na hiwalay na ang aktres sa kanyang mister na si Richard Gutierrez.
Sa Instagram post, ipinasilip ni Sarah ang kanyang script na mayroong one-word caption na “Grateful”.
Gaganap siya bilang leading lady sa cast ng Rudy Fernandez remake na “Lumuhod ka sa Lupa” kasama si Kiko Estrada.
Huling napanood si Sarah sa 2019 Metro Manila Film Festival entry na “Mission Unstapabol: The Don Identity”.