NAGHAIN ng Not Guilty Plea sa Korte ang contractor na si Sara Discaya para sa kinakaharap niyang kasong Graft at Malversation of Public Funds kaugnay sa 96.5 million pesos na halaga ng Ghost Flood Control Project sa Davao Occidental.
Sumailalim si Discaya sa arraignment sa Lapu-Lapu City Regional Trial Court Branch 27.
Maliban kay Discaya, sumailalim din sa arraignment ang kapwa niya akusado sa kaso na si Maria Roma Rimando na president ng St. Timothy Construction at walong dating opisyal ng DPWH.
Matapos ang isinagawang arraignment, itinakda na ng Korte ang Pre-Trial Conference sa kaso sa February 3.




