21 November 2025
Calbayog City
Local

Sangguniang Panlungsod ng Calbayog, inamyendahan ang naunang resolusyon sa GWEC Project

INAMYENDAHAN ng Sangguniang Panlungsod ng Calbayog ang naunang inendorsong Gemini Wind Energy Corp. (GWEC) Project, na kinapapalooban ng konstuksyon ng wind turbines sa loob ng Calbayog Pan-as Hayiban Protected Landscape (CPHPL).

Nakasaad sa resolusyon ang masidhing pagtutol sa wind turbines sa loob ng protected area at nagde-demand ng restoration o pagbabalik sa original area ng “Strict Protection” Zone sa CPHPL.

Ito ay bago ang rezoning ng Protected Area Management Board (PAMB) para palawakin ang Multiple-Use Zone at bawasan ang protected area, na inilarawan ng mga kritiko bilang underhanded o ginawa ng pasekreto para i-accommodate ang GWEC Project.

Umani ng atensyon ang proyekto matapos matuklasan ng publiko sa online na ilang wind turbines ang itatayo sa protected area sa Calbayog.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).