NANGAKO ang San Miguel Beermen na babawi matapos matalo sa TNT sa Game 5 ng PBA Philippine Cup Finals.
Kinapos ang San Miguel sa TNT sa score na 86-78, dahilan para magkaroon Game 6 sa kanilang Best-of-Seven Series.
ALSO READ:
Aminado si 12-Time Best Player of the Conference June Mar Fajardo, na sobrang flat ng kanilang simula, subalit positibo pa rin sila sa magandang resulta ng serye.
Hindi rin aniya pwedeng maliitin ang TNT dahil masidhi rin ang kagustuhan ng koponan na makuha ang Grand Slam.
Lamang ang Beermen na mayroon nang tatlong panalo habang dalawa naman ang TNT.
Magsasagupa ang dalawang koponan para sa Game 6 ngayong Biyernes.




