NAGBABALA ang pork producers na posibleng makaapekto sa presyo ang rehabilitasyon sa San Juanico Bridge, dahil tumaas ang kanilang Logistical Costs.
Bunsod nito, nanawagan si National Federation of Hog Farmers, Inc. President Chester Tan sa pamahalaan na pabilisin ang pagkukumpuni sa tulay na nag-uugnay sa Leyte at Samar Islands.
Ipinaliwanag ni Tan na kapag mababa ang produksyon sa Luzon ay kumukuha sila ng source hogs mula sa Visayas at Mindanao, at mayroon itong additional costs na 40,000 hanggang 60,000 pesos.
Idinagdag ni Tan na kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng petrolyo ay wala aniya silang mapagpipilian kundi itaas din ang presyo ng karneng baboy.