KINUMPIRMA ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Eastern Visayas ang opisyal na reopening ng makasaysayang San Juanico Bridge para sa mga sasakyang may bigat na hanggang 15 tons, ngayong Biyernes, matapos ang matagumpay na dry run.
Matatandaang noong Miyerkules ay nagpatupad ang ahensya ng dry run mula alas tres ng hapon hanggang alas otso ng gabi, bilang bahagi ng final preparations upang matiyak ang kahandaan ng tulay para sa pagdaan ng mas mabibigat na sasakyan.
2 miyembro ng NPA, patay sa sagupaan laban sa militar sa Northern Samar
Mahigit 50 rebelde, nakakuha ng Safe Conduct Passes sa ilalim ng Amnesty Program ng pamahalaan
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Hinimok naman ng DPWH ang mga motorista na mahigpit na tumalima sa traffic regulations at speed limits sa tulay upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa sandaling maging epektibo ang bagong polisiya.
Una nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bilisan ang retrofitting ng San Juanico Bridge, at itaas ang load capacity sa 12 to 15 tons mula sa 3 tons, ngayong Disyembre.
