NAKADAGDAG ang San Junico Bridge Crisis ng 0.7 percent sa Inflation Rate sa Eastern Visayas noong Hunyo bunsod ng tumaas na gastos sa pagbiyahe ng mga produkto.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Regional Director Wilma Perante, lahat ng tatlong lalawigan sa Samar ay nakapagtala ng mas mataas na Inflation noong nakaraang buwan, ilang linggo matapos ipatupad ang Three-Ton Load Limit sa tulay na nag-uugnay sa Leyte at Samar Island.
Nakapagtala ang Northern Samar ng pinakamataas na Increase na 2.8 percent mula sa 0.5 percent noong Mayo; sumunod ang Eastern Samar, 1.9 percent at Samar, Negative 0.1 percent.
Samantala, tatlong lalawigan naman sa isla ng Leyte at Biliran ang nakapagtala ng mas mababang Inflation Rates at maging Deflation, o Negative Inflation noong Hunyo.
Kinabibilangan ito ng Leyte na may 0.7 percent; Southern Leyte, Negative 1.3 percent; at Biliran, 1 percent.