PINATAWAN ni US President Donald Trump ng bente porsyentong taripa ang lahat ng produkto ng Pilipinas, simula Aug. 1.
Sa kanyang liham kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagbabala si Trump na magpapataw ito ng karagdagang duties kung magre-retaliate o gaganti ang Pilipinas.
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Ang White House Letter na may petsang July 9 ay naka-post sa Truth Social Account ni Trump, kasama ang kaparehong Tariff Notifications na ipinadala sa anim pang mga bansa.
Mas mataas ang 20% Tariff Rate kumpara sa 17% Rate na orihinal na inanunsyo ng US President para sa Philippine Exports noong Abril, subalit mas mababa kumpara sa iba pang Southeast Asian Nations, gaya ng Cambodia at Thailand, na kapwa pinatawan ng 36 percent.
