PANSAMANTALANG sinuspinde ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang flight operations sa Bicol International Airport sa Daraga, Albay, dahil sa bomb joke.
Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, mayroong nagbitaw ng bomb joke sa Cebu Pacific Airlines flight 5J 326 habang nasa runway pa.
Sa inisyal na imbestigasyon, mayroong nag-iwan ng note sa comfort room sa eroplano.
Bilang precautionary measure, isinara ang runway at pinababa ang lahat ng mga pasahero saka dinala sa arrival area para sa security inspection.
Limang paalis at limang padating na flights ang naapektuhan ng naturang suspensyon.
Makalipas naman ang mahigit tatlong oras ay naibalik na sa normal ang operasyon ng Bicol International Airport.