Mas mapayapa na ngayon ang Samar, kasabay ng paghina ng pwersa ng New People’s Army (NPA) sa isla.
Pahayag ito ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kasabay ng pagsasabing nakita niya ang progress report ng peace and order situation sa Samar provinces.
Karagdagang Potential Geosites sa Northern Samar, tinukoy ng mga eksperto
DSWD, nagbigay ng 24.8 million pesos na ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Helicopter ng Air Force, nag-emergency landing sa Southern Leyte
Bayan sa Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Tino
Sinabi ni pangulong Marcos na hindi na kasinggulo dati, at bagaman mayroon pa ring mga engkwentro ay maliliit grupo na lamang ang kalaban ng pamahalaan.
Una nang iniulat ng militar na nasa isanlibong komunidad sa Eastern Visayas ang nasa ilalim ng impluwensya ng NPA bago binuo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ng Duterte administration noong 2018.
Target naman ng pamahalaan na lahat ng lugar sa Samar ay tuluyang makalalaya mula sa impluwensya ng rebeldeng grupo ngayong taon.
