LUMAHOK ang Samar Provincial Public Employment Service Office (PESO) sa 2025 Women’s Summit sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry, sa Tandaya Hall Capitol Compound, sa Catbalogan City.
Kahapon ay nagsilbing host ang PESO ng Gender and Development Job Caravan na nag-alok ng limampung job opportunities.
ALSO READ:
NGCP, may pahinumdom hiunong hin pagpapalupad hin saranggola
Regional Level Top 7 Most Wanted Person, arestado ng Calbayog CPS
Militar sa Eastern Visayas, nanawagan sa mga rebelde na magnilay-nilay ngayong Semana Santa
“Pintahang Pagkakaisa,” pinangunahan ng kabataang artists sa Tacloban City para isulong ang nasyonalismo
Naglagay din ng isang Jobsnext booth, kung saan maaring ma-access ng mga attendee ang iba’t ibang online training courses.
Ilan sa mga serbisyong inalok sa naturang summit ay entrepreneurship development training at consumer complaints and entrepreneurial inquiries ng DTI; mayroon ding free services on personality enhancement at short vocational courses sa ilalim ng TESDA.
