21 May 2025
Calbayog City
Local

DSWD, nagpadala ng mahigit 9,000 food packs sa Eastern Samar na naapektuhan ng baha

NAIHATID na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mahigit siyamnalibong family food packs sa Eastern Samar.

Ito’y bilang bahagi ng augmentation support ng ahensya para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha kamakailan na dulot ng shear line.

Hanggang noong linggo ng hapon ay nasa 9,292 family food packs ang nai-deliver na sa Eastern Samar, partikular sa mga bayan ng Taft, San-Avid, San Policarpo, at Borongan City.

Inihayag ng DSWD Eastern Visayas Regional Office na sa kasalukuyan ay patuloy silang nakikipag-coordinate sa iba pang Local Government Units upang matiyak na mabibigyan ng tulong ang mga nangangailangan.

Una nang inatasan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang kanilang field office sa Eastern Visayas na agad magpadala ng mahigit 23,000 na family food packs sa probinsya ng Eastern Samar.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).