28 December 2025
Calbayog City
Local

Samar Gov. Sharee Ann Tan, nagpaliwanag sa video ng pagsasayaw habang hinahagisan ng pera

NAGPALIWANAG si Samar Governor Sharee Ann Tan kaugnay sa viral video ng pagsasayaw nito habang hinahagisan ng pera.

Ayon kay Tan, “misleading” ang nasabing ulat na kumakalat ngayon sa social media dahil ito ay hindi nangyari sa isang “magarbong dinner” at wala ring kaugnayan sa anumang Government Programs o Project.

Nakuhanan aniya ang video sa Hermano Night sa piyesta ng Catbalogan City kung saan isinagawa ang tradisyunal na “Kuratsa Dance”.

Paliwanag ni Tan, ang nasabing sayaw ay isang Cultural Tradition sa Samar at Leyte at isinasagawa sa maraming mga okasyon hindi lamang sa piyesta kundi maging sa kasal, kaarawan, school events at iba pang pagtitipon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).