NAGTAYO ang Northern Samar Provincial Government ng kauna-unahang Community-Based na Salt and Sardines Facility sa bayan ng San Vicente upang matugunan ang matagal nang problema sa Post-Harvest Losses.
Ayon kay Jhon Allen Berbon, Head ng Provincial Economic Development and Investment Promotions Office (PEDIPO), ang naturang pasilidad ay ino-operate ng Sangputan Workers Association (SWA) na mula sa Coastal Community ng Sangputan sa San vicente.
Pinakamalaking Solar Irrigation Project sa Eastern Visayas, pinasinayaan na
Calbayog City, tumanggap ng bagong ambulansya mula sa PCSO na magpapalakas sa Local Emergency Response
Pangulong Marcos, pinangunahan ang pamamahagi ng mga ambulansya para sa Eastern Visayas
Good Referral System, hiniling ng Eastern Visayas Medical Center sa gitna ng pagdagsa ng mga pasyente sa ospital
Layunin ng pasilidad na ma-preserba at mai-proseso ang kanilang arawang huli habang sinusuplayan ang lokal na merkado.
Batay sa Projections, maaring makapag-produce ang SWA ng mahigit 18 kilos ng asin kada linggo sa bawat Crystallization Module, na planong itaas pa ang produksyon kapag lumawak ang pasilidad.
Sa loob ng maraming taon, ang mga bayan sa kahabaan ng San Bernardino Strait, ay dumaranas ng malaking Post-Harvest Losses sa kanilang Fisheries Sector, sa kabila ng mayamang Marine Resources, bunsod ng hindi sapat na Handling Practices at kawalan ng Proper Storage Facilities ng mga lokal na mangingisda.
