ISANG sako na naglalaman ng tila mga buto ang narekober ng mga awtoridad sa Retrieval Operations para sa labi ng mga nawawalang sabungero na umano’y itinapon sa Taal Lake sa Batangas.
Ayon kay Police Colonel. Geovanny Emerick Sibalo, Provincial Director ng Batangas Police, narekober ang sako, sampung metro ang layo mula sa dalampasigan.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Hindi pa kumpirmado kung ang mga buto ay mula sa tao, bagaman nai-turnover na ang sako sa Regional Scene of the Crime Operatives para sa Forensic Examination.
Una nang ibinunyag ng isa sa mga akusado sa kaso na si Julie Patidongan na pinaslang ang mga biktima at itinapon ang kanilang mga bangkay sa Taal Lake.
Kahapon ay sinimulan ng pamahalaan ang paghahanap sa kalansay ng mga nawawalang sabungero sa pamamagitan ng pagsisid ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa Taal Lake.