HINDI pa naaaprubahan ng Hangzhou Asian Games Organizing Committee (HAGOC) ang pagbabago sa rosters ng ilang Philippine National Teams na lalahok sa Asian Games.
Inamin ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na marami pang problema sa change of athletes.
Ang most high-profile sa mga team ay ang Gilas Pilipinas, kung saan alanganin pa ang eligibility ng players, gaya nina Calvin Abueva, Terrence Romeo, Jason Perkins, at Moala Tautuaa.
Ang pangalan ng apat na players ay hindi kabilang sa entry-by-names na isinumite ng POC sa HAGOC sa July 25.
Idinagdag ni Tolentino na inaayos din nila ang eligibility ng iba pang mga atleta mula sa gymnastics, football, fencing, at golf teams.