Nakumpiska ng mga tauhan ng Police Regional Office 11 ang mahigit P8.6 million na halaga ng smuggled na sigarilyo sa Davao City.
Ang 431 master cases ng smuggled na yosi ay nasabat ng mga otoridad sa Purok 19, Cabanes Road, Brgy. Ilang kasunod ng natanggap na report hinggil sa abandonadong mga sigarilyo sa isang warehouse.
ALSO READ:
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Rockfall event, namataan sa Bulkang Mayon
Wage Hike sa MIMAROPA at Zamboanga Peninsula epektibo sa Jan. 1
Mahigit 15K na iligal na vape units na kinumpiska mula sa Visayas, winasak ng BIR
Maliban sa sigarilyo, natagpuan din sa warehouse ang isang kalibre 45 na baril, P5,000 halaga ng tobtas, at iba pang kagamitan.
Dinala na sa Bureau of Customs – Port of Davao ang nakumpiskang mga sigarilyo habang ang ilegal na gamot ay dinala sa Davao City Forensic Unit 11 para sa forensic examination.
