BUMAGSAK ng pitumpung porsyento ang koleksyon sa taripa sa bigas noong Enero, bunsod ng ibinabang tariff rate at pagbaba ng import arrivals.
Sa datos mula sa Bureau of Customs (BOC), 1.43 billion pesos ang nakolektang rice tariffs noong nakaraang buwan.
Mas mababa ito ng 3.31 billion pesos kumpara 4.74 billion pesos na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ang rice import volume noong Enero ay bumagsak ng mahigit ika-apat na bahagi sa 330,501 metric tons mula sa 474,194 metric tons noong January 2024.