MAKIKIPAGPULONG si Ukrainian President Volodymyr Zelensky kay US President Donald Trump sa Washington para sa lalagdaang agreement para sa pagbabahagi ng mineral sources ng kanyang bansa sa Amerika.
Inilarawan ni Zelensky ang Bilateral Deal bilang “preliminary,” at nais niyang isulong ang iba pang agreements, kabilang ang US Security Guarantees para harangin ang panibagong Russian Aggression.
Sinabi naman ni Trump na hindi magbibigay ng garantiya ang US nang sobra-sobra, kasabay ng katwirang ang responsibilidad ay dapat nasa Europe.
Tila ibinasura rin ng US President ang balak ng Ukraine na maging NATO member na isa sa mga matagal nang ambisyon ni Zelensky.