BUMABA ang pondong ipinadala ng mga Pilipinong nasa ibang bansa noong Enero, matapos ang record-high na naitala noong Disyembre.
Sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot lamang sa 2.918 billion dollars ang cash remittances o money transfers sa pamamagitan ng mga bangko o formal channel sa unang buwan ng 2025.
Mas mababa ito kumpara sa 3.380 billion dollars na naitala noong december 2024, subalit mas mataas sa 2.836 billion dollars noong Enero ng nakaraang taon.
Sa statement, inihayag ng BSP na ang paglago ng cash remittances mula sa Saudi Arabia, United States, Singapore, at United Arab Emirates, ang nag-ambag ng malaki sa pagtaas ng remittances noong Enero.