NAPASLANG ng rumespondeng pulis ang bente otso anyos na lalaki na nang-hostage ng anim na taong gulang na babae, sa Barangay Sabala Manao Proper sa Marawi City.
Ayon sa Police Regional Office-BANGSAMORO Autonomous Region (PRO-BAR), pinaniniwalaang nasa ilalim ng impluwensya ng ipinagbabawal na gamot ang suspek nang pumasok ito sa bahay ng biktima at sapilitan itong binitbit saka tinutukan ng kutsilyo sa leeg.
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Rockfall event, namataan sa Bulkang Mayon
Wage Hike sa MIMAROPA at Zamboanga Peninsula epektibo sa Jan. 1
Mahigit 15K na iligal na vape units na kinumpiska mula sa Visayas, winasak ng BIR
Nagkataon naman na nagdya-jogging sa lugar si Police Senior Master Sergeant Sohair Solaiman, miyembro ng Molunda Municipal Police Station, kaya agad itong rumesponde at nakipag-negosasyon sa suspek para pakawalan ang biktima.
Gayunman, naging agresibo ang lalaki nang mapansin ang pagdating ng karagdagang pulis mula sa Marawi City Police Station dahilan para lalo nitong saktan ang biktima.
Dahil dito, napilitan ang mga awtoridad na barilin ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa kaliwang pisngi at katawan, na agad nitong ikinamatay.
