KINANSELA ng Commission on Elections (COMELEC) 2nd Division ang registration ng Duterte Youth Party-list.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, sa botong 2-1 napagpasyahan ng 2nd Division na kanselahin ng Party-list registration ng Duterte Youth.
ALSO READ:
DILG, iniutos ang maagang paghahanda sa Super Typhoon “Uwan”
DOH, nagtaas ng Code Blue Alert kasunod ng deklarasyon ng State of National Calamity
760 million pesos na Cash Aid, ipinagkaloob ng Office of the President sa mga biktima ng Bagyong Tino
State of National Calamity, idineklara ni Pang. Marcos dahil sa pinsala ng Bagyong Tino at sa papasok na Super Typhoon Uwan
Ang resolusyon ay kaugnay ng kasong isinampa laban sa Duterte Youth noon pang 2019.
Ayon kay Garcia, sa kabila ng pasya ng COMELEC 2nd Division, ang naturang Party-list Group ay maaari pang maghain ng Motion for Reconsideration sa COMELEC En Banc.
Mayroong limang araw ang Duterte Youth para maghain ng apela sa En Banc.
Mayroon pang isang kaso na nakabinbin laban sa Duterte Youth na nasa COMELEC 1st Division.
Ito ay may kaugnayan naman sa usapin ng Red-Tagging.
