5 July 2024
Calbayog City
Local

Regional Police Director sa Eastern Visayas, pinamamadali ang imbestigasyon sa insidente ng pagpaslang sa mag-iina sa Catbalogan City

director
Photo Courtesy: DJ RJ Castino

Pinag-utos ng Regional Police Director sa Eastern Visayas ang agarang imbestigasyon sa pamamaslang sa bente sais anyos na ginang at dalawa nitong anak, sa Catbalogan City, sa Samar.

Sinabi ni Eastern Visayas Police Information Officer, Lt. Col. Maria Bella Retuaya, na nais ni Brig. Gen. Vincent Calanoga, na agad matukoy at maaresto ang suspek sa krimen.

Si Reo Oreo at dalawa niyang anak ay natagpuang wala nang buhay sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Pupua, na pawang may laslas sa kanilang mga leeg.

Ang karumal-dumal na insidente ay nadiskubre ng asawa ng biktima na si Edito Candiz, nang umuwi ito matapos ang pamamasada ng tricycle.

Nadatnan ni Candiz ang misis na nakahandusay habang yakap ang kanilang limang buwang gulang na anak, gayundin ang kanilang tatlong taong gulang na anak na babae. Hindi pa tukoy ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek, pati na ang motibo sa pamamaslang sa mag-iina.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *