15 March 2025
Calbayog City
Local

Red tide, na-detect sa Cambatutay Bay sa Samar

KINUMPIRMA ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang presensya ng red tide toxins sa Cambatutay Bay sa Tarangan, Samar.

Sa pinakahuling laboratory test noong Miyerkules, nag-positibo sa red tide ang seawater samples na nakolekta sa Cambatutay Bay.

Ito ang unang beses na naulit ang pagkakaroon ng red tide sa naturang katubigan ngayong taon, batay sa records ng BFAR Regional Office.

Bunsod nito, pinayuhan ng ahensya ang publiko na iwasan ang paghango, pagbebenta, at pagkain ng lahat ng uri ng shellfish, gaya ng tahong at talaba, at alamang mula sa Cambatutay Bay.

Ligtas namang kainin ang iba pang lamang dagat, gaya ng mga isda, hipon, at alimango, basta’t sariwa ang mga ito, linising mabuti, at alisin ang mga hasang at bituka bago lutuin.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).