9 February 2025
Calbayog City
Local

Red Tide, kumalat sa katubigan ng Biliran!

MAKALIPAS ang mahigit isang taon, bumalik ang red tide sa coastal waters ng Biliran Island, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Regional Office.

Positibo sa toxic micro-organism na nagdudulot ng paralytic shelfish poisoning ang seawater samples na nakolekta sa Biliran, dahilan para magtaas ang BFAR ng local red tide warning.

Ipinaliwanag ng BFAR na posibleng nakaapekto ang direksyon ng hangin at availability ng nutrients at sikat ng araw, na potential contributors sa naturang sitwasyon.

Ang coastal water ng Biliran ang ikalimang lugar sa Eastern Visayas na inisyuhan ng local red tide warning.

Nauna nang nagpositibo sa red tide ang San Pedro Bay sa Basey, Samar; Cancabato Bay, sa Tacloban City; Coastal Waters ng Guiuan, Eastern Samar; Irong-Irong Bay sa Catbalogan City, Samar; at Matarinao Bay sa General Macarthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo sa Eastern Samar.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *