BINIGYANG-diin ng prime minister ng bagong transitional government ng Syria na panahon na para pairalin ang katatagan at kahinahunan matapos patalsikin si President Bashar Al-Assad.
Ginawa ni Mohammed Al-Bashir, dating pinuno ng rebel administration sa North-West ang pahayag, matapos itong atasan na pamunuan ang pamahalaan hanggang March 2025 ng islamist militant group na “Hayat Tahit Al-Sham” at ng kanyang mga kaalyado.
Pinangunahan ni Bashir ang pulong sa Damascus na dinaluhan ng mga miyembro ng bagong pamahalaan, at mga dating gabinete para talakayin ang paglipat ng portfolios at institutions.
Una nang nanawagan ang United Nations envoy sa Syria na dapat isakatuparan ng mga rebelde ang kanilang mabuting mensahe sa taumbayan.