PINAIGTING ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) ang kanilang pagtugon sa mga indibidwal na apektado ng road limit sa kahabaan ng San Juanico Bridge.
Sinabi ni RDRRMC Chairperson Lord Byron Torrecarion, na sa ikalimang araw ng Blue Alert activation, kahapon, ipinagpapatuloy ng RDRRMC sa pamamagitan ng Inter-Agency Task Force San Juanico, ang kanilang mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng publiko, sa gitna ng structural concerns sa tulay.
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Inihayag ni Torrecarion na isang Centralized Public Assistance Desk at Command Post ang pansamantalang inilagay ng Office of Civil Defense habang hinihintay na makumpleto ang itinatayong. Mega tent.
Nagbigay din aniya ang OCD ng bottled water sa mga naghihintay na pasahero at stranded truckers malapit sa Amandayehan Port sa Basey, Samar.
