Nagsagawa na ng inspeksyon ang Metropolitan Manila Development Authority, Department of Environment and Natural Resources, at Armed Forces of the Philippines para sa itatayong rainwater impounding facility sa loob mismo ng Camp Aguinaldo sa Quezon City.
Ang pagtatayo ng nasabing pasilidad sa loob ng Camp Crame ay isa lamang sa mga long-term flood control projects na isinasagawa ng ahensiya para maisulong ang flood-resilient Metro Manila.
DepEd NCR, nag suspinde ng Face-to-Face Classes ngayong Lunes hanggang bukas
Maynila, nakakolekta na ng 160 million pesos na buwis mula sa Flood Control Contractors
Navotas Floodgate, nabutas matapos mabangga ng barko
DOTr, binigyan ng Special Permits ang mahigit 200 na bus para magsakay ng mga pasahero sa NIA Road
Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, magsasagawa ng soil testing upang makapagbalangkas ng engineering design para sa itatayong pasilidad.
Layunin ng gagawing pasilidad na matugunan ang pagbaha sa Metro Manila, partikular sa bahagi ng EDSA at Boni Serrano Avenue.
Ayon sa AFP, kapag naisakatuparan ang paglalagay ng rainwater impounding facility sa Camp Crame ay malaki ang maitutulong nito upang maiwasan ang pagbaha hindi lamang sa loob ng kanilang kampo kundi pati na rin sa iba pang pangunahing kalsada ng Metro Manila.