NAKAPAGTALA ang Galapagos National Park ng pinaka-unang mga kaso ng Avian Flu sa remote island sa Ecuador.
Sa pahayag ng National Park, tatlo ang nag-positibo sa H5N1 virus makaraang magkasakit ang mga ibon sa isla.
Ang Galapagos Archipelago ay isang bird-watchers paradise na may unique at colorful species, tulad ng blue-footed booby, endemic penguins, cormorants, at albatrosses.
Una nang sinabi ng Ecuadorian Authorities na mahigpit nilang binabantayan ang naturang isla, dahil umabot na sa South America ang outbreak ng bird flu.