IBINUNYAG ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na mayroon pa ring pre-registered sim cards na binebenta sa facebook marketplace na maaring gamitin sa mga iligal na aktibidad.
Sinabi ni PAOCC Executive Director Gilbert Cruz na dahil dito ay kailangan pang dagdagan ang safety nets sa pagre-rehistro ng sim cards.
ALSO READ:
Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Aniya, dapat ay mayroong accountable person bawat sim card at hindi ito maaring ibenta ng bultuhan o maramihan.
2022 nang maging ganap na batas ang Republic Act No. 11934 o Sim Registration Act, sa layuning masawata ang mga krimen, gaya ng text at online scams sa pamamagitan ng paghihigpit sa pagbebenta at paggamit ng sim cards.
