LUMOBO ng pitong porsyento ang air passenger ng traffic sa Tacloban airport noong 2024, bunsod ng additional flights sa kabisera ng Eastern Visayas.
Sa report ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), mula sa 1,573,301 inbound and outbound passengers noong 2023, umakyat ang bilang sa 1,689,748 noong nakaraang taon.
2 miyembro ng NPA, patay sa sagupaan laban sa militar sa Northern Samar
Mahigit 50 rebelde, nakakuha ng Safe Conduct Passes sa ilalim ng Amnesty Program ng pamahalaan
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Sinabi ni CAAP Eastern Visayas Area Manager Danilo Abarreta, na nakatulong ang pagbubukas ng bagong air route patungong Tacloban mula sa Davao at Iloilo sa huling quarter ng taon, sa naturang paglago.
Idinagdag ng CAAP official na ang tumaas na annual passenger traffic ay consistent simula noong 2018.
Ang Tacloban airport ay mayroong 16 to 20 flights kada araw, kabilang ang labindalawang flights mula at patungong Metro Manila at apat na flights galing at papuntang Cebu.
