MATAPOS ang halos sampung taong pagsasama bilang mag-asawa, naghiwalay na sina Jericho Rosales at Kim Jones.
Kinumpirma mismo ni Kim ang balita, kasabay ng paglilinaw na nananatiling mabuti silang magkaibigan ni Echo.
Una nang ibinunyag ni Ricci Ocampo na ninong sa kasal ng dalawa, na noong pang 2019 hiwalay sina Kim at Echo, at ito aniya ay mutual decision.
Sa Instagram ay nananatiling friendly sina Echo at Kim, sa pagko-comment sa mga post ng bawat isa.
Ipagdiriwang sana ng dalawa ang kanilang 10th wedding anniversary sa Mayo ngayong taon.