Humingi ng tulong si Eastern Samar Governor Ben Evardone kay Interior and Iocal Secretary Benhur Abalos upang matugunan ang mataas na singil sa kuryente sa lalawigan, at sa buong Eastern Visayas.
Sa dayalogo, sa Summit Hotel sa Tacloban City, sinabi ni Evardone na sila ang host ng renewable energy plants subalit hindi naman sila nakikinabang rito.
Bagaman mayroon aniyang renewable energy plants ang Eastern Samar, hindi naman sila nagbe-benepisyo rito bunsod ng one-grid policy ng pamahalaan.
Ang Eastern Samar ay mayroong solar at hydropower plants na nagpo-prodyus ng pinagsamang 34 megawatts na ino-operate ng Taft Solar Project.
Ang napo-prodyus na kuryente mula sa mga naturang planta ay ibinebenta sa labas ng Eastern Samar na isa sa mayroong pinakamataas na power rates sa rehiyon.
Sa kasalukuyan, ang mga konsumedor ng kuryente sa lalawigan ay nagbabayad ng mahigit kinse pesos kada kilowatt hour.
Kumukuha naman ang Eastern Samar Electric Cooperative (ESAMELCO) ng kanilang power supply mula sa coal-powered ng power sa Bataan.