KINUMPIRMA ng Northern Samar Provincial Government na Zero Casualties ang kanilang lalawigan, kasunod ng pag-landfall ng Super Typhoon Uwan, noong Linggo, at nananalasa sa lugar ng labing walong oras taglay ang mapaminsalang hangin at ulan.
Batay sa Reports na isinumite sa Northern Samar Emergency Operations Center, binerepika ng lahat ng Local Government Units na walang nasawi sa kani-kanilang nasasakupan, sa kabila ng malawak na pinsala ng bagyo.
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Illegal quarry materials, nasabat sa Brgy. Anislag, Calbayog City, Samar
Mahigit 600 silid-aralan, sinira ng Bagyong Uwan sa Eastern Visayas – DepEd
Sinabi ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), na malaking tulong ang napapanahong Preemptive Evacuation sa may 45,706 individuals bago tumama sa kalupaan ang Bagyong Uwan, para maabot ang Zero-Casualty Goal.
Nagpasalamat si PDRRMO Chief Rei Josiah Echano dahil walang nalagas na buhay sa kanilang lalawigan, kasabay ng papuri sa aktibong partisipasyon ng Local DRRM officers, Local Government Units, at iba pang Stakeholders. Pinapurihan din ng Provincial Government ang kooperasyon sa pagitan ng National at Local Agencies, uniformed personnel, volunteers, at mga komunidad para matiyak ang epektibong implementasyon ng Early Warning Systems, Evacuation Protocols, at Relief Operations.
