DALAWANG miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi matapos makasagupa ang tropa ng pamahalaan sa Northern Samar.
Nagpapatrolya ang mga tauhan ng 8th Infantry Division ng army mula sa 20th Infantry Brigade nang maka-engkwentro ang mga rebelde sa Barangay Bulao, sa bayan ng Las Navas.
ALSO READ:
Mahigit 50 rebelde, nakakuha ng Safe Conduct Passes sa ilalim ng Amnesty Program ng pamahalaan
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Pre-Christmas Trade Fair sa Leyte, kumita ng 6.2 million pesos
Narekober ng mga sundalo ang tatlong M16 rifles mula sa pinangyarihan ng bakbakan.
Ayon sa mga opisyal ng militar, bini-beripika pa nila ang pagkakakilanlan ng dalawang rebelde na pinaniniwalaang mga miyembro ng Eastern Visayas Regional Party Committee on NPA.
