NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagbubutihin ang internet access sa Eastern Visayas, lalo na sa malalayong lugar, bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan na palawakin ang reliable connectivity sa rehiyon.
Sa news release ng Presidential Communications Office (PCO), inihayag ni Pangulong Marcos na nag-develop ang gobyerno ng bagong sistema na magpapalakas ng internet access sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs).
Para sa mga liblib na lugar, sinabi ng pangulo na ima-maximize ng gobyerno ang mga bagong teknolohiya upang mapagbuti ang internet service sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan.
Pinuri naman ni Samar Governor Sharee ann Tan ang hakbang ng pamahalaan, sa pagsasabing ang pagpapabuti ng internet connectivity ay makatutulong ng malaki sa sektor ng edukasyon, partikular sa GIDA communities sa kanilang lalawigan.