NATAPOS na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Samar 1st District Engineering Office ang bagong kalsada patungo sa Angel Falls sa Barangay Caglanipao, Calbayog City.
Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P9.8 million at pinondohan sa ilalim ng Tourism Road Infrastructure Program (TRIP) para sa fiscal year 2024.
Ang Angel Falls ay isa sa mga tanyag na tourist destination sa Calbayog City.
Dati ay walang sementadong daan patungo sa Angel Falls at mapupuntahan ito sa pamamagitan ng 20-minute trek gamit ang access road malapit sa Manok-Manok Bridge sa National Highway.
Ang binuksang 800 meters concrete road ay mas malapit at mas magiging kombinyente para sa mga turista.